Vovoy: Oh pare, kamusta na? Sinagot ka na ni Girlie?
Ellis: Hindi pa nga e. Ewan ko ba, hindi ko makuha yung kiliti nung babaeng yun!
Vovoy: Nako parepareho lang naman yan. Mula dati pa, kahit hanggang ngayon pambobola parin ang nakakapasagot sa babae.
Ellis: Yun nga e. Halata ata pag ako ang nambobola.
Vovoy: Sus! Kahit naman alam nilang binobola sila kakagat parin yun. Idaan mo sa hirit yung pambobola para sweet ka na, muka ka pang matalino.
Ellis: Panong idaan sa hirit ba?
Vovoy: Ganito... sample lang ha.
Para kang hika... you take my breath away.
ahhh ayos no? eto pa...
Para kang cigarette vendor... you give me HOPE, and MORE.
Ellis: hahaha OK ah!
Vovoy: Eto pa, eto pa...
Para kang pustiso... I can't smile without you.
Panis!
Ellis: haha astig ah! Magawa nga yan.
Vovoy: Oo mga ganun lang. Pero mag-isip ka ng iba, mga example lang yun.
Ellis: Ah sige sige.. ako bahala. May naisip nako, tamang-tama magkikita kami ni Girlie mamaya.
(Kinagabihan)
Ellis: Girlie may sasabihin sana ako sayo...
Girlie: Ano yun?
Ellis: Para kang flower... meron kang ovary.